Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 20)

00 puso rey
LUMITAW ANG TUNAY NA MOTIBO KAY YUMI NI MS. ELLAINE PERO ‘DI SIYA INILIGTAS NG SINGER

Hawak ang isang kutsilyo nang dumagan ito sa ibabaw niya. Napasigaw siya nang malakas. “Huwag!” aniya sa pagpupumiglas. May masama nga kasing tangka sa kanya ang mala-dambuhalang sekretarya ng singer/pianist. Na nanghahabhab ang mga labi sa kanyang punong-te-nga, leeg at pababa pa sa kutab ng malulusog niyang dibdib.

Ilang hakbang lamang ang layo ng kamang kinalalatagan ng katawan ni Yumi sa kinauupuang silya ni Jimmy John. Palahaw niyang hi-ningan ito ng tulong: “Saklolooo!” Nilingon lamang siya nito sa pagkakaupo nang walang ka-kilos-kilos at saka binigyan ng kahulugan ang katagang iyon: “Saklolo: Ibig sabihin ay nanga-ngailangan ng tulong, asiste, responde o pagdamay…”

Pilit niyang ipinagtanggol ang sarili sa kademonyohan ng utak ni Miss Ellaine. Nang mai-arko ang kanyang mga tuhod ay tinadyakan niya sa pagitan ng mga hita. At gumalabog ang bigat sa sahig na nalalatagan ng alpombra. Noon siya nakakuha ng tiyempo upang angatin ang service telephone ng hotel suite.

“T-tulong… Tulungan n’yo ako! May gustong man-rape sa akin dito!” iyak niya sa pagsigaw sa awditibo ng telepono.

Sabi naman ni Jimmy John: “Rape o panggagahasa: Ito ang sapilitan at marahas na paki-kipagtalik sa isang tao, babae man o lalaki at bata man o matanda na walang pahintulot, at ginagamitan ng lakas o kapangyarihan, dahas, at pananakot.”

Hindi naman nagtagal at hangos nang dinaluhan si Yumi ng ilang hotel personnel na may kasamang tatlong security guard. Nang mabuksan ang pintuan ng kuwarto ni Jimmy John ay nabulaga ang lahat ng mga bagong dating sa kanyang kalagayan. Dagan-dagan siya ni Miss Ellaine na pwersahang nagbababa sa panloob niyang kasuotan. At ang hawak nitong kitchen knife ay nakaumang sa kanyang leeg.

Kusa namang nagtaas ng dalawang kamay si Miss Ellaine nang masukol ng mga personnel at sekyu ng hotel. Pero binangga ng mabultong pangangatawan nito ang mga hotel personnel na nakaharang sa pintuan ng hotel suite. At nagmistula itong kalahok sa karera ng takbuhan sa pagkaripas ng takbo patungong fire scape ng mataas na gusali.

(Itutulo

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …