Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pipi’t binging bebot ginilitan ng dyowa (Bangkay ibinalot sa sako)

GINILITAN at ibinalot sa sako ang babaeng pipi’t bingi ng kanyang live-in partner nang magtalo sila kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan sa ilalim ng hagdan ang nakasakong biktimang si Mary Joy Rodriguez, 20, ng 16383 Magnolia St., Barrio San Lazaro, Brgy. 187, Tala ng nasabing lungsod, sanhi ng malalim na sugat sa leeg mula sa itak.

Habang kusang loob na sumuko ang suspek na kinakasama ng biktima na si Reynaldo Anova, 21, nahaharap sa kasong homicide, at nakapiit na sa detention cell ng Caloocan Police.

Batay sa ulat nina POs2 Louelle Rabara at Mark Andrew Bartolome, dakong 11 p.m. nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa.

Nagroronda ang mga tanod ng Barangay 187 nang lapitan sila ng ina ng suspek na si Ana Luz Anova at ipinagbigay-alam ang krimeng ginawa ng anak.

Agad nagresponde ang mga tanod at natagpuan ang nakasakong bangkay ng biktima.

Napag-alaman, habang nagtatalo ang dalawa ay hinataw ng taga ng biktima si Anova ngunit naagaw ng suspek ang itak kaya siya ang napatay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …