ISANG 69-anyos na retiradong Chinoy factory owner na biktima ng kidnap for ransom ang sinabing dinukot habang pauwi pagkagaling sa kanyang pabrika at pinatay matapos maghinala ang mga kidnapper na naki-pag-coordinate ang pamilya sa PNP..
Hindi makompirma kung ito nga ay KFR. Wala pa raw kasing reaksiyon ang pamilya at ang pulisya pero bigla nang pinatay ang biktima.
Ilan ang nagsasabi na magpa-PASKO kasi kaya huwag na tayong magtaka kung bakit maya’t maya na naman ang kidnapping.
Pero iba ang usapan sa Filipino Chinese business community, mag-eeleksiyon kaya buo at malakas na naman ang iba’t ibang KFR groups.
Sabi nga ni Teresita Ang-See ng Movement for Restoration of Peace and order, nasa ‘panic mode’ ang Chinese-Filipino community.
‘Yung sinasabing kidnapping na nalalaman natin, s’yempre ‘yung mga reported lang ‘yun.
‘E paano ‘yung hindi reported?!
‘Yan ang sinasabi natin … ang buong administrasyon ni Pangulong Noynoy ay nakatutok lang sa politika … puro CHARTER CHANGE (CHA-CHA).
Ang Philippine National Police (PNP) ay nagiging burara sa seguridad dahil nasanay sa sistemang ‘reactive.’
‘Yun bang tipong kung kailan lang mayroong problema ay saka lamang aaksiyon.
Hindi natin alam kung paano magtrabaho ang mga pulis na nakatalaga sa Intelligence.
Sila dapat ang nagtatrabaho para manmanan o subaybayan ang banta sa seguridad lalo na ngayong nalalapit ang BER months at ang eleksiyon sa 2016.
Paano tayo maniniwala sa sinabi ng ating Pangulo na nasa mabuting kamay ang mga ‘BOSS’ n’ya sa kamay nina SILG Sec. Mar Roxas at PNP Chief DG Allan Purisima?!
Huwag na sanang hintayin ng pambansang pulisya na magkaroon ng isang kahindik-hindik na TRENDING ng KIDNAPAN na madadamay ang malalaking negosyante sa bansa at mga pamilya nila, dahil t’yak maiindulto ang karera ng mga boss tsip ng PNP.
‘Di ba, Dir. Gen. Alan Purisima?!
ANG MGA ‘BALIMBING’ NA LAWMAKERS SA KWADRA NI PNOY
HABANG pinanonood natin ang pagdinig ng Kamara de Representantes kamakalwa sa tatlong impeachment case laban kay Pangulong Benigno Aquino III tumayo ang aking balahibo at kinilabutan tayo sa mga mambabatas na lantarang tumatayong kanyang mga ‘abogado.’
Personally, tayo man ay hindi komporme na patalsikin o gamitin ang impeachment proceedings laban sa ating Pangulo.
Gaya ng rally o demonstrasyon, na isa sanang malakas na kalasag ng mga mamamayan laban sa ano mang uri ng pagsasamantala, ang IMPEACHMENT ay ginawa na rin ‘PICNIC’ ng ilang militante.
Kumbaga, hindi lang pumabor sa kanilang mga alyado ang pangulo, gusto nang patalsikin.
Dahil sa ganyang asal, ‘e masyado nang nasalaula ang ‘IMPEACHMENT’ bilang isang aksi-yong politikal na pwedeng pumutol sa pang-aabuso ng mga impeachable official ng bansa.
Kung ang mga militante ay inaabuso ang iba’t ibang uri ng political actions, ito namang mga mambabatas na mabibilis sa pagpapalit ng kulay ay hanep naman sa kapal ng mukha.
Mantakin ninyo, si Rep. Ben Evardone ng Eastern Samar, Cavite Rep. Pidi Barzaga at Rep. Neil Tupaz, Jr., ng Iloilo na dating super-sipsip-higop kay ex-PGMA ‘e p’wet naman ni PNoy ang hinihimod ngayon?!
What the fact!?
Si Evardone na nagpatulog sa Freedom of Information Bill (FOI) … ay tahasang tinawag ni Rep. Nero Colmenares na isang BALIMBING!
Tsk tsk tsk …
O ‘di ba? Certified na Balimbing, Hunyango at political opportunists.
Totoo man na hindi na “sufficient in form’ ang impeachment laban kay PNoy, pero dahil sa pagtatanggol sa kanya ng mga Balimbing boys sa Kamara ‘e baka maniwala ang taong bayan na may pinagtatakpan sila sa ating Pangulo…
Ibig sabihin natin, wala silang kredibilidad na ipagtanggol si Pnoy!
I’ll just keep my fingers crossed.
PITCHAAN AT BUKOLAN SA BI-NAIA T-2
SA administrasyon ni Immigration Comm. Fred Mison, ay lubhang naghihigpit ang hanay ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) laban sa mga unruly, undesirable at blacklisted foreign nationals pero may ilan pa rin palang opisyal ang sumasalikwat at dumidiskarte ng pagkakaperahan diyan sa NAIA T-2.
Batay sa sumbong ng ilang IO sa NAIA Terminal 2, mahigit one week na ang nakararaan, may tatlong Chinese nationals ang dumating sa bansa mula sa Xiamen, China.
Isa sa tatlong banyagang pasahero ay nagkamali ng daan habang magpapa-clear sa Immigration arrival zone. Instead of queuing fronting the arrival counter ay napadpad sa exit/entrance sa gawing kanan ng mga authorized personnel.
So, ang nangyari, lumagpas ang pasaherong rich Chinese businessman sa Immigration Arrival Counter.
Samantala ang dalawang kasama na medyo nahuli ay napasunod sa pila para sa kaukulang clearing process kung kaya’t natatakan.
Pero ang ‘di alam ng naligaw na rich Chinese passenger, may mga matang nakamasid sa kanya kung kaya’t ‘kinalawit’ siya.
Nadamay na rin ang dalawang kasamahan niya bagama’t nakapagpa-clear na umano sa mga awtoridad.
Ang unintentional violation ng mayamang Intsik ay nagresulta para ma-isyuhan ng “Exclusion Order” at isinama na rin umano ang dalawang kababayan nito na pawang mga bagong salta lamang sa bansa.
Napag-alaman na susunduin pala ng hotel representative ang tatlong Chinese passengers at na-late lamang dahil sa matinding trapiko patungong airport.
Nang malaman na mga “Bigtime Casino Gambler” pala ang mga Chinese, biglang naging interesado ang isang BI Immigration Supervisor na ‘tulungan’ at pag-usapan na lang ang sinapit ng 3 pasahero.
Nakiusap daw ang hotel rep sa on-duty BI Supervisor, hanggang magsimulang buksan ang kanilang negosasyon para ‘piyansahan’ ang mga turistang Intsik!?
‘Ibinato’ naman ng hotel rep ang problema sa “handler” nito at sa ‘concerned authorities’ na nagpatuloy ng transaksiyon.
Pero bago pinakawalan ng Immigration ‘Bisor ang hotel rep ay ‘humirit’ pa muna ng P8k para pambili umano ng Pancit “for the boys.”
What the fact!?
Totoo kaya na nagtapos umano ang usapan sa P50K per head para makapasok na ng bansa ang tatlong Chinese passengers at ibasura ang ipinalabas na Exclusion Order?
Aba’y wala palang imposible kapag ang usapan ay may money involved?
Kahit pa naka-24 oras na raw ang tatlong Intsik sa Holding Lounge ng BI-NAIA T2?
Kaya ang tanong ngayon sa NAIA T2 Immigration Zone: sino-sino ang nabukulan at kumita sa isyung ito?
Naitimbre kaya kay alias P’wet ang pitchaan na ito!?
TAKIP NG PLAKA BAKIT PINAG-IINITAN?
TANONG ko lang po, bakit po ipinagbabawal ang takip sa plaka na mga motor kahit clear naman? ‘Yan po kasi ay proteksyon namin para d manakaw ang sticker. Ganito ba talaga sa Pilipinas ang pinapahirapan ‘yung mga ordinaryong mamamayan. Di ba kaya ng PNP na masawata ang riding in tandem na ‘yan na d pinapahirapan ang mga sumusunod sa batas. Ano ang ginagawa ng intel nila, nagpapalaki ng bayag? Sayang naman ang intel fund. +63916143 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com