Saturday , May 10 2025

MVP planong dalhin ang FIBA World Cup sa ‘Pinas

080614 gilas pilipinas fiba
KINOMPIRMA ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ng pangunahing tagasuporta ng Gilas Pilipinas na si Manuel V. Pangilinan ang plano ng ating bansa na maging punong abala ng 2019 FIBA World Cup.

Nasa Espanya ngayon si Pangilinan upang suportahan ang Gilas na lalaban ngayon kontra Senegal sa huli nitong asignatura sa Group B ng torneo.

Kasama ni Pangilinan sa Espanya sina SBP executive director Sonny Barrios, SBP deputy executive director Butch Antonio at logistics director Andrew Teh, pati na rin sina PBA Commissioner Chito Salud at lahat ng mga miyembro ng board of governors ng liga sa pangunguna ng bagong tserman na si Patrick “Pato” Gregorio ng Talk n Text.

Sila’y dadalo sa briefing para sa mga bansang nais mag-bid sa Madrid mula Setyembre 12 hanggang 15.

Bukod sa Pilipinas, ang ibang mga bansang nais maging punong abala ng 2019 FIBA World Cup ay ang  Germany at France bilang isang punong abala, ang consortium ng Estonia, Finland, Latvia at Lithuania, Puerto Rico, Venezuela, Brazil at Tsina.

Malalaman sa Abril ng susunod na taon ang bansang susuwertihing pagdarausan ng  torneo.

“We are strongly making a push to host the next World Cup,” wika ni Pangilinan. “I think it’s helping our bid that we’re competitive in this year’s World Cup. I’ve spoken with (FIBA secretary-general) Mr. (Patrick) Baumann about it. I’m aware that the magnitude of hosting the World Cup is 10 times more than the FIBA Asia Championships.”

Naging punong abala ang Pilipinas sa FIBA Asia Championships noong isang taon kung saan tumapos bilang runner-up ang Gilas para makapasok sa World Cup.

Idinagdag ni Pangilinan kung idaraos ang World Cup sa bansa, balak gawin ang mga laro sa Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena, ang bagong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at kahit isa sa bagong Solaire Arena sa Pasay o ang bagong arena ng SM sa Cebu.

Huling naging punong abala ang Pilipinas sa FIBA World Championships noong 1978.

Samantala, kompiyansa si Pangilinan na tatalunin ng Gilas ang Senegal mamayang alas-8 ng gabi, oras sa Pilipinas, kahit ininsulto ng ilang mga Senegalese ang delegasyon ng mga Pinoy noong Linggo.

“Go home,” insulto ng mga taga-Senegal.

“We’ll go home after we beat you,” sagot naman ni Gilas coach Chot Reyes.

Habang sinusulat ito ay naglalaban ang Gilas kontra Puerto Rico at kung mananalo ang mga Pinoy at matatalo ang Senegal kontra Argentina ay kailangang manalo ang Gilas kontra Senegalese upang umabante sa knockout round-of-16.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *