Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Money changer lady boss dedo sa holdaper (P1.25-M tinangay)

090414 gun dead thief

PATAY ang money changer lady boss nang pagbabarilin ng tatlong lalaking lulan ng dalawang motorsiklo at tinangay ang P1,250,000 cash makaraan siyang mag-withdraw sa Banco de Oro kamakalawa ng hapon sa Plaridel, Bulacan .

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Carmina Pagatpatan, 37, ng Baliuag, may ari ng J-Lyn money changer sa Malolos.

Habang sugatan ang gurong si Amorsolo Keyser, 30, ng Mabolo, Malolos na lulan ng Ford Lynx (EEC-808) at napadaan lamang sa lugar nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong 1 p.m. naganap ang insidente habang lulan si Pagatpatan ng kanyang black Hyundai Tucson (ML-9360) dala ang nabanggit na halaga makaraan mag-withdraw sa nabanggit na banko.

Bigla na lamang hinarang ng dalawang motorsiklo ang sasakyan ng biktima at siya ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay kinuha ng mga suspek ang dalawang bag ng biktima na kinaroroon ng nabanggit na halaga at mabilis na tumakas.

Habang minalas na tinamaan ng ligaw na bala sa insidente si Keyser na napadaan lamang lulan ng kanyang sasakyan.

(RAUL SUSCANO/

DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …