ISINULONG sa Kamara ang pagsingil ng entrance fee sa mga pumapasok sa casino sa bansa.
Sa House Bill 4859 ni Misamis Oriental Rep. Peter Unabia, dapat ay magkaroon ng entrance fee na P3,500 ang mga papasok sa iba’t ibang mga casino sa bansa.
Ang tanging layunin ng nasabing batas ay para madesmaya ang mga pumapasok sa Casino na maglaro, at ito ay karagdagang kita ng bansa para sa socio-civic programs.
Dagdag ni Unabia, kaya niya iniakda ang nasabing batas dahil mahirap ipatupad ang Presidential Decree 1896, na pinapayagan lamang ang isang indibidwal na pumasok sa casino kapag siya ay kumikita ng P50,000 kada taon.