Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina, ‘di na carry ang magpa-sexy dahil Christian na at isa nang ina

090414 Katrina Halili
 

ni John Fontanilla

No sexy roles or cover sa men’s magazine na ang mahusay na aktres na si Katrina Haliliespecially na isa na siyang mommy.

Tsika ni Katrina, ”parang pupunta ka roon, magseseksi-seksi ka, parang nililibog mo ‘yung mga tao.

“Hindi ko na carry, ayoko na. So, magkakaroon ako ng kasalanan and siyempre, nagsisimba na ako ngayon, Christian na ako.”

Wala na nga balak balikan ni Katrina ang ginawang pagpapaka-daring at sexy noon, mas gusto na nitong magkontrabida na lang kaysa magpa-sexy pa. Lumalaki na raw ang kanyang anak at ayaw nito na sa paglaki  ay kakalakihan ang kanyang pagpapasexy.

JON, NAG-BIRTHDAY SA CHILDHAUS

NAGING makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-19 birthday ni Jon Lucas noong Sunday, Aug. 31 (bagamat noong Aug. 18 talaga ang birthday niya) kasama ang mga batang may cancer saChildhaus.

Ani Jon, ‘yun daw talaga ang birthday wish niya, ang makapagdiwang ng kaarawan either saHome for the Aged o sa Childhaus. ”Matagal ko na talagang gustong mag-celebrate ng birthday either sa Home for The Aged o kaya rito nga sa Childhaus para maiba naman.

“’Yun bale ang wish ko, siyempre part din ng wish ko na sana hindi ako mawalan ng trabaho at mas dumami pa at good health sa akin at sa mga mahal ko sa buhay.

“Ayoko na kasi ‘yung may party o kaya handaan, gusto ko may gawing maganda at makabuluhan sa birthday ko.

ON TOP 2014: ULTIMATE RUNWAY BATTLE ROYALE, PABOLOSANG MALE AND FEMALE MODEL SEARCH

MAGAGANAP ang bongang model search On Top 2014: Ultimate Runway Battle Royale sa September 18 sa Area 05 Superclub, Bellagio Square, Tomas Morato, Quezon City.

Maglalaban ang 17 gorgeous amateur male models who will sizzle on the catwalk with their glam and good looks, at maglalaban-laban sa titulong On Top. Ang show ay tatampukan din ng mga hottest male and female modeling talent na magpapakita ng mga trendy pieces and creations mula sa mga sikat at papasikat na designers in fashion wear and accessories.

Ang show na ito ay  mula sa pagtutulungan ng B.E.M. (BemElite Models), the Überfinds Vintage  Fashion   Store, at ang ABG Project. For tickets, reservations and other details, please contact Bembem Kho at (0942)3814695, ang On Top 2014 will definitely be a runway event you wouldn’t want to miss! ‘di ba Bem Bem, Lek Lek, at Ross?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …