Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hacker ng mga nude photos ng celebrities inaresto ng FBI

090414 FBI leak celebrity

INARESTO ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang isang lalaki kaugnay ng malawakang imbestigasyon sa umano’y Hollywood hacking ring na nagnakaw ng mga larawan mula sa mga telepono at email account ng ilang mga celebrity.

Ito ang kauna-unahang pagdakip na isinagawa kasunod ang isang taon pagsisiyasat sa binansagang Operation Hackerazzi, na ang layunin ay kilalanin yaong nasa likod ng pagnanakaw sa mga pribadong imahe mula sa mga electronic device na pagmamay-ari ng mga kilalang aktres.

Nitong nakaraang buwan lang ay lumitaw sa internet ang mga hubad na larawan ni Scarlett Johansson makaraang makuha ng mga hacker mula sa personal na mobile phone ng aktres.

Kasunod nito ay nagawang ma-hack din ang mga pribadong larawan at video mula sa mga device nina Miley Cyrus at Vanessa Hudgens.

Nakipagulong si Hudgens sa mga ahente ng FBI sa tanggapan ng kanyang abogado noong Marso sanhi ng pagha-hack ng kanyang Gmail account.

Sinasabing ‘asiwang-asiwa at galit na galit’ ang aktres dahil sa pangyayari.

Isa pang nabiktima ay si Mila Kunis na kumalat ang mga larawan kasama ang kanyang ‘friends-with-benefits’ co-star na si Justin Timberlake.

Ayon sa mga ulat ng celebrity news website TMZ, umaabot sa 50 babaeng celebrity ang target ng mga hacker, kabilang sina Jessica Alba, Selena Gomez at singer Christina.

Inaresto ng FBI ang suspek sa hacking sa Florida na pinaniniwalaang nakakuha ng mga hubad na larawan mula sa ilang mga website nang walang bayad o libre.

Kinilala ng FBI ang suspek na si Christopher Chaney ng Jacksonville, Florida. Kakasuhan siya ng 25 counts ng identity theft, unauthorised access at unauthorised damage sa protected computer.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …