DINALA sa tanggapan ng NBI Anti-Organized Transnational Crime Division si Ely Pamatong na nadakip ng mga operatiba ng nasabing ahensiya sa pangunguna ng kanilang team leader na si Special Investigator 4 Aldrin G. Mercader sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang isangkot ng tatlong nahuling bombers nang aminin na siya ang kanilang leader. (BONG SON)
INARESTO ng mga awtoridad kahapon si dating presidential candidate Ely Pamatong na sangkot sa bigong pagpapasabog sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Si Pamatong ay nahaharap sa kasong sedisyon kaugnay sa insidente.
Si Pamatong, idiniskwalipika noong 2004 at 2010 presidential elections bunsod ng pagiging ‘nuisance’ candidate, ay inamin ang responsabilidad sa tangkang pagpapasabog ng isang grupo na desmayado sa paghawak ng gobyerno sa territorial dispute sa China.
“Well, to a certain extent I am responsible kasi ini-encourage ko ‘yang si Jojo [Guerrero],” pahayag ni Pamatong sa naunang panayam nitong Martes.
“My instruction was to do everything reasonable to stop Chinese economic domination of the Philippines, and dismemberment of the Philippines.”