NARIRITO lang pala sa Pilipinas si Diether Ocampo at kaya nanahimik ay naghahanda sa project niyang mag-produce ng isang international movie na hindi lang binanggit sa amin ng nagkuwento kung sino ang mga artista.
Nakasalubong kasi namin ang taong malapit kay Diet at kinumusta namin at nabanggit na, ”ay nasa ABS, may meeting.” Siyempre tinanong namin kung ano ang next project niya dahil isang taon na rin siyang hindi napapanood sa telebisyon at wala ring balita sa kanya.
“Hayun, magpo-produce ng international movie,” pakli sa amin.
Marami pa sana kaming gustong itanong pero nagmamadali ang taong kausap namin.
At mukhang happy at hindi naman daw namomroblema ang aktor sa piling ng girlfriend niyang anak ng mayamang angkan sa Pilipinas.
Oo nga, for all we know, baka stockholder na rin si Diether sa lahat ng kompanyang pag-aari ng magulang ng girlfriend niya.
ni Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
