This is what the Lord says — your Redeemer, the Holy One of Israel: “I am the Lord your God, who teaches you what is best for you, who directs you in the way you should go.” –Isaiah 48:17
HINDI na maawat ang mga kri-minal na maghasik ng lagim sa Maynila, palibhasa, inutil ang pulisya na magpatrolya, kaya ang resulta sunod-sunod na ang krimeng nagaganap sa Lungsod.
Mga kabarangay, ang Maynila ay premiere city ng Pilipinas, subali’t, bumabandera din ito bilang crime capitalng bansa.
Susmaryosep!
***
NITONG Lunes, unang araw ng Setyembre 1, hinoldap at sinaksak ang isang family driver habang papasok sa kanyang trabaho bandang 5:00 ng madaling araw.
Naglalakad lamang ang biktimang si Benedicto dela Cruz sa kanto ng Fuguso at Natividad Sts, Sta. Cruz nang harangin ng apat na suspek, nang tumangging ibigay ang dalang bag, sinaksak ng ice pick ang biktima.
Pinagtyagaan ang P100 piso laman sa pitaka ng biktima!
***
KAHAPON naman ay napatay ang isang jeepney driver habang nasa loob ng ipinapasadang sasakyan sa kanto ng Tayuman at Almeda Sts.
Sapol sa sentido at sa likod ng katawan ang tama ng bala ng baril sa biktimang si Allan Empinio nang makitang nakahandusay sa loob ng minamanehong jeep na may ruta Tayuman-Pritil. Tumakas ang gunman ni Empinio, sakay ng motorsiklo.
At gaya ng dati, walang suspek na nahuli ang pulisya!
***
NITONG huling Linggo ng Agosto, isang pa-milya naman ang naholdap sa tapat mismo ng Manila City hall. Ihahatid lamang sa eskwela ang kanilang anak nang tutukan ng baril ng dalawang lalaki.
Walang makitang pulis sa kalye ang pamilya kaya hindi nahuli ang mga kriminal na naglakad lamang umano na parang walang nangyari.
Grabee mga kabarangay!
KATAKOT SA MAYNILA
KAYA nakakatakot nang maglakad sa Lungsod, hindi na ligtas ang gumala pa sa Maynila. Wala kang makitang magpoprotekta sa’yo, wala kang makitang pulis, wala ka rin makitang barangay tanod.
Ano nga kaya ang mas pinagkakaabalahan ng liderato ni Manila Police District (MPD) Director Rolando Asuncion at bakit talamak pa rin ang krimen sa buong Maynila?
What’s happening to our city, General?!!!
***
HINDI talaga masisi ang marami nating kababayan na ikompara ang peace and order situation noon kaysa ngayon. Noon, takot na takot ang mga kriminal kay Mayor Alfredo Lim, ang tinatawag na Dirty Harry dahil sa no non-sense campaign against criminality.
Wala kasing sinasanto at pinapatawad si Ma-yor Lim, basta gumawa ka ng masama o krimen, hindi ka makalialigtas kay Dirty Harry.
Sabi nga: make my day!
PAGING ERAP!
DAPAT mabahala ang dating Pangulong Erap sa isang wrecker services na ginagamit ang kanyang pangalan sa panghahatak ng mga pribadong sasakyan sa Maynila.
Isang Lee Chui umano’y may-ari ng isang private towing services ay nagpapakilala bilang kaanak umano ng dating Pangulo. Reklamo rito, walang habas na nanghahatak ng mga sasakyan at pinatutubos mula P5,000 hanggang P7,000.
***
ANG mga nato-tow na motorista ay maaring tubusin at kunin ang sasakyan sa kanilang hideout/ office sa Pandacan.
Astig daw ang wrecker ni Chui dahil hindi raw siya maaaring sitahin dahil kaanak siya ni Erap.
Dios Mio, totoo po ba ito?!
HAMPAS SA KALABAW SA KABAYO ANG LATAY!
GALIT na galit kahapon ang libong vendors sa Blumentritt, binola na naman sila ni Rafael “Che” Borromeo, ang Chairman ng Task Force on Organized Vending nang sabihin na personal umanong pupunta at makikipag-usap sa kanilang hanay ang dating Pangulong Erap, gaya ng ginawa niya sa mga vendor sa Divisoria, kamakailan lamang.
Pero walang naganap na diyalogo, dahil hindi nila nasilayan ang dating Pangulo sa Blumentritt. Umaasa pa naman silang mapapakingan ang kanilang mga problema, bago umano magpatupad ng zero vendors policy.
***
KAYA tumpak ang kasabihang, hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay dahil ang tampulan ngayon ng sisi at galit ng mga vendors ay na kay Erap at hindi kay Borromeo.
Sinisira ni Borromeo ang dating Pangulong Erap sa madla nang pangakuan ng diyalogo ang vendors na hindi naman natupad, habang ang naturang opisyal ay tatawa-tawa lamang sa isang sulok dahil hindi talaga si Erap ang kanyang tunay na amo, kundi si traffic czar.
Haayy naku, kahit itanong n’yo pa kina Ric Ibay, Felix Espiritu, et al!
HAPPY BIRTHDAY, SENADORA GRACE POE-LLAMANZARES!
KUNG may tinatangi man akong senador sa ating bansa, aba, walang iba kundi si Senador Grace Poe-Llamanzares. Masipag at matalinong senadora ang adopted daughter ng namapayang action king Fernando Poe, Jr., at Susan Roces.
Marami ang nabigla nang mag-topnotcher siya sa nakaraang 2013 Senatorial election. Hindi akalain na ang dating chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang maghahatid sa kanya sa mundo ng politika.
***
HINDI nga nabigo ang mga sumuporta kay Sen. Poe sa eleksyon, maayos niyang nagagampa-nan ang tungkulin sa bayan, mga reporma sa batas na kanyang inirepaso, dama rin niya ang pulso ng mamamayan, umani siya ng papuri makaraang subukang pumila sa MRT, noong nakaraang Linggo.
Kaya naman mahalagang batiin natin ang Senadora ng Bayan sa kanyang ika-46 kaarawan nitong Setyembre 3. Hangad ng inyong lingkod ang magandang kalusugan at tagumpay sa inyong political career.
Hindi po nagsisi ang taumbayan sa paghalal sa inyo, Senadora Poe!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos