Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aussie tumalon sa 21/F ng hotel tigok sa kalsada

TUMALON mula sa ika 21- palapag ang isang Australian national sa tinutuluyan niyang hotel sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Bumagsak sa kalsada si Robert A. Andrews, 65, ng F-3-6 Edna St., Mt. Waverly VIC 3149 Australia, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 2101, 21th Floor, Atrium Hotel, EGI Building, Buendia, Taft Avenue, Pasay City.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcinue, nangyari ang insidente dakong 5:45 a.m. likod na bahagi ng Atrium Hotel sa Buendia Avenue, Taft.

Sa pahayag ni Freddie Seguvia, 32, driver ng service car ng hotel, nasa entrance siya ng hotel habang naghihintay ng kanilang mga guest nang mapansin ang bumagsak na tao sa bandang likod at sumabit sa kawad ng koryente hanggang bumagsak sa kalsada.

Natagpuan ng mga awtoridad ang iniwang suicide note ng biktima na nakasaad ang paghingi ng tawad sa kanyang pagpapakamatay.

Noong Agosto 27 nang mag-check-in ang biktima sa hotel hanggang Agosto 31 ngunit humingi ng dagdag pang tatlong araw.

Sinabi ni Jessie de Guzman, hotel manager ng Artium, wala silang napansin na kakaibang kilos ng biktima nang mag-chek-in sa hotel.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …