Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen Luna, Solignum’s new calendar girl

090314 Pauleen Luna Solignum

PUMIRMA at inilunsad kamakailan ang Eat Bulaga host bilang wood preservative calendar model para sa next year sa isang product launching sa Hayatt Hotel. Kaya naman si Pauleen Luna na ang bagong mukha ng Solignum 2015 calendar.

Ikinatuwa ni Pauleen ang pagkakakuha sa kanya bilang Solignum calendar girl gayundin ng kanyang Mommy.

Aniya, ang naturang brand ang kanilang pinagkakatiwalaan lalo’t ang kanilang pamilya ay nasa negosyo ng pagtatayo at pagbebenta ng townhouse.

“To be honest, it’s actually my mom who got so excited about this kasi we are into build and sell ng mga townhouse and she knows something about buildings. Ang tagal ko ng naririnig ‘yan sa kanya so she’s really excited,” ani Pauleen. “You know what they say, ‘mothers know best’ so we trust Solignum.”

Makikita si Pauleen sa Jardine Distribution Inc’s (INC) calendar para sa Solignum at Agro Products.

Kasabay ng paglulunsad, ipinakita rin ng JDI ang dalawang bagong variants ng Solignum, ang Solignum Exterior at Solignum Interior.

Ang dalawang bagong produkto ay ‘nose friendly’ dahil wala itong mabahong amoy at eco friendly wood preservation pa. Ito ay naisakatuparan dahil sa paggamit ng Micro Emulsion technology na kaunting chemical lamang ang inilalagay pero hindi naman nababawasan ang kalidad ng produkto.

Ginagawa kasi ng micro emulsion na maging napakanipis ng liquid component ng Solignum kaya nakaka-penetrate iyon sa kahoy para mabigyan ng proteksiyon.

Kaya naman ang Solignum ang leading at most trusted wood preservation product sa bansa. Ang Jardine Distribution Inc. ay member company ng Jardine Matheson Group na nagre-represent ng number of leading brands in crop protection, local and foreign-made pesticides, plant growth regulators, hybrid rice seeds, at vegetable seeds. Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang www.jardinedistribution.com.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …