Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy D, aminadong may nangyari na sa kanila ng BF

080314 DIONISIA PACQUIAO

 ni Ed de Leon

LUMABAS na ang mga detalye sa love affair ni Mommy D, ang ina ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Wala naman talagang nakaaalam noon dahil nasa Gensan nga siya, pero ang pambansang kamao na rin ang nagbunyag ng sikreto sa isang TV interview, kasabay ng kanyang pagtutol sa nasabing relasyon.

Hindi niya pinangalanan ang lalaki, pero nang malaunan, si Aling Dionisia na rin ang nagbulgar kung sino ang kanyang lover, at naglabasan na rin ang pictures at video nilang dalawa noong nakaraang birthday ni Mommy D.

Ngayon naman ang mismong lover na ni Mommy D na si Michael Yamson ang siyang gumawa ng statement. Una, sinabi niyang hindi totoo ang bintang sa kanya na pera lang ang habol niya sa 65 years old na girlfriend. Mahal daw niya iyon at nakahanda siyang pakasalan iyon, at buhayin kahit na hindi na iyon sustentuhan ng kanyang mga anak.

Hindi naman maikakaila na ang lahat ng tinatamasa ngayon ni Aling Dionisia sa kanyang buhay ay mula sa pambansang kamao.

Mabilis din pala ang kanilang ligawan. Nagkita sila sa isang karaoke bar noong February 14, kung kailan iniabot niya kay Aling Dionisia ang kanyang telephone number. Nag-text iyon sa kanya. Nagkita silang muli sa karaoke bar ding iyon, at makalipas lang ang anim na araw ay “on” na silang dalawa.

Sinabi pa ni Michael na nasa edad na raw naman silang dalawa “at hindi na kailangang patagalin pa iyon”.

Hindi pa naman sila live in, pero lumalabas na may nangyari na sa kanila, dahil nang matanong si Mommy D sa kanyang sex life, sinabi ng matanda na “nangyayari iyon, ok lang naman”.

Kung tutuusin hindi naman isang celebrity si Mommy D, at lalo naman ang kanyang boyfriend. Pero dahil sa popularidad ni Manny, ang sino mang may kaugnayan sa kanya ay nagiging isang public figure na rin, kaya napag-uusapan ng ganyan ang isang dapat sana ay pribadong bagay. Isa pa, sila rin naman ang naglabas niyon.

Pero kung tutol ang pambansang kamao sa love affair ng nanay niya, mukha namang ok lang iyon sa asawa niyang si Jinkee.

Matagal nang hiwalay si Mommy D sa tatay nina Manny na si Rosalio Pacquiao. Bago si Mang Rosalio, may nauna pang asawa si Aling Dionisia na may dalawa siyang anak. Kung matutuluyan, si Michael ang magiging pangatlong asawa na niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …