Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Aquino, ‘di kaya ma-bad trip kay Daniel Matsunaga?

090314 kris aquino Daniel  Matsunaga

ni Nonie V. Nicasio

SOBRA ang saya ni Daniel Matsunaga nang tanghalin siya bilang Big Winner sa katatapos na Pinoy Big Brother All In ng ABS CBN. Kaya napaiyak siya nang i-announce na siya ang Housemate na nagwagi sa Bahay ni Kuya.

“Sa tingin ko, kasi mahal na mahal ko kayo lahat. People think na hindi ako Filipino but I am so much more proud to be a Filipino in heart than many others out there na hindi proud sa country. I am a true Filipino. Dahil sa pag-ibig n’yo sa akin,” wika ng actor-model.

After PBB, posibleng gumawa raw si Daniel ng dalawang pelikula at isang soap-opera sa ABS CBN. Nang usisain kung sino ang aktres na gusto niyang makapareha? Sina Kim Chiu, Anne Curtis, at KC Concepcion daw ang naging sagot ni Daniel.

May mga nagtanong tuloy sa amin kung hindi raw kaya ma-bad trip si Kris Aquino sa sinabing ito ni Daniel dahil hindi isinama ng PBB Big Winner ang pangalan ni Tetay?

Anyway, sa mga hindi nakaaalam, inamin ni Daniel na nag-audition din siya noon sa Big Brother sa Brazil, ngunit hindi pinalad na makapasok doon.

At dito nga siya sa ‘Pinas biniyayaan ng suwerte para tanghaling Big Winner sa PBB All In.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …