Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, atat nang makasama si Ate Vi!

090314 juday vilma

ni Timmy Basil

OO nga ano? Halos lahat pala ng sikat na senior stars ay nakasama na ni Judy Ann Santos. From Fernando Poe Jr., Maricel Soriano, Nora Aunor, etc., etc.  pero never pa niyang nakatrabaho ang kanyang idolong si Batangas Governor Vilma Santos.

Ang sabi ni Juday, gusto niyang makasama si Ate Vi sa isang drama movie.

Aba, pihadong umaatikabong aktingan ito ‘pag nagkataon.

Pero teka, hindi sinabi ni Juday kung sa mainstream ba o sa indie film niya gustong makasama si Ate Vi.

Kasi ‘di ba, nag-i-indie na rin si Ate Vi, remember ‘yung pelikula niyang Ekstra?

At si Juday naman, nauna  nang nag-indie kung hindi n’yo pa alam. Five or six years ago, ginawa ni Juday ang pelikulang Ploning na ang principal photography ay ginawa sa Palawan. Si Juday mismo ang producer nito.

So, it doesn’t matter siguro kung sa  indie or sa mainstream movie niya makakasama si Ate Vi.

Naku, titingnan natin kung sino ang unang producer na kakagat.

Kung wala man, baka puwedeng si Juday na lang mismo at magbalik-producer ulit siya ng pelikula, hehehehe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …