Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, bagong Timebassador ng UniSilver

090314 ejay falcon unisilver time

00 SHOWBIZ ms mWALANG pinalitang endorser si Ejay Falcon! Ito ang iginiit ng UniSilver Time nang dumalo kami sa contract signing ng aktor noong Friday sa Pan Pacific Hotel.

Ayon kay Ms. Rosiebeth Padua, Public Relations Manager ng UniSilver time, additional endorser si Ejay at isa na siyang Timebassadors. Bale 15 months ang pinirmahang kontrata ni Ejay sa UniSilver Time.

“Personal choice si Ejay ng management as one of our endorsers. Namimili rin kasi ang UniSilver Time ng mga endorser na kukunin,” sambit pa ni Ms. Rosiebeth.

Happy naman si Ejay sa pagkakakuha sa kanya ng UniSilver dahil dagdag na ito sa dumarami niyang ineendosong produkto. Kasabay ng contract signing ang photo shoot ni Ejay kasama ang iba pang endorser nito. “Feeling ko, bukod sa pagiging wholesome, isa rin sa dahilan kung bakit nila ako kinuha ay ‘yung pagiging sporty ko. May pagka-athletic din kasi ako eh. Nagba-basketball ako, nagba-boxing ako, halos lahat ng sports sinasalihan ko. Eh,’yung watches nila, parang mga ganoon, may pagka-athletic ang dating,” giit naman ni Ejay.

Sa pakikipag-usap namin kay Ejay, naikuwento rin nitong may bago na siyang seryeng uumpisahan para sa ABS-CBN. Makakasama niya raw dito sina JC De Vera at Ellen Adarna.

Aniya, may pagka-sexy ang tema ng teleserye kaya naman mayroon silang sensuality workshop.

Nakatapos na rin siya ng isang indie movie na ang tile ay Sa Ngalan ng Anak with Phillip Salvador, Nash Aguas, Paul Salas at iba pa, mula sa direksiyon ni Toto Natividad.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …