Thursday , December 26 2024

Arestadong car bombers maglulunsad ng anti-China attacks

SA pagpapasabog nais idaan ng grupong nasa likod ng tangkang bomb attack sa NAIA, ang kanilang hinaing sa anila’y pagiging malambot ng gobyerno sa mga isyu sa China.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima sa tulong ni NBI Director Virgilio Mendez, makaraan mahuli sina Grandeur Pepito Guerrero, Emmanuel San Pedro at Sonny Yuhanon.

Ani De Lima, tinawag ng mga suspek ang kanilang grupo na ‘USA-FFE’ o United States Army Forces in the Far East noong World War 2 at itinuturing nila ang sarili bilang ‘Defenders of the Filipino People.’

Nananawagan aniya ang grupo nang mas matapang na paninindigan ng administrasyon sa mga usapin sa China.

“Apparently this is a misguided group. They claim to be defenders of the Filipino people and consider China and (Chinese-Filipinos) oligarch taipans’ monopolistic business practices and illegal mining as enemies,” pahayag ng kalihim.

Nabasahan na ng sakdal sa kasong illegal possession of firearms and explosives ang tatlo at nasa kustodiya na ngayon ng NBI. Pag-aaralan pa kung sasampahan sila ng conspiracy to commit terrorism.

Lumutang ang agenda ng grupo batay na rin sa nakalap na mga impormasyon ng NBI at sa narekober na kopya ng manifesto mula sa tatlo na babasahin sana ng grupo sakaling nagtagumpay ang atake.

Destalibisasyon motibo sa car bomb — De Lima

POSIBLENG destablisasyon ang motibo sa napigilang car bomb” attack sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kamakalawa.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Maynila, sinabi ni Justice Sec. Leila De Lima, natukoy nila ang grupo na “USAFFE” na pinamumunuan ng nagpakilalang general.

Tinukoy ng kalihim ang self-proclaimed general na si Grandeur Guerrero at mga kasamahan na sina Emmanuel San Pedro at Sonny Yohanan.

Ayon kay De Lima, tinangka ng grupo ang pag-atake dahil desmayado sila sa paninindigan ng pamahalaang Aquino laban sa China na anila’y malambot sa usapin ng West Philippine Sea issue.

Batay sa dokumento na narekober ng NBI, hindi lang ang NAIA 3 ang balak atakehin ng grupo kundi maging ang Mall of Asia sa Pasay, Chinese Embassy, at DMCI sa lungsod ng Makati.

Sinasabing balak sana ng grupo na ilunsad ang pag-atake noong Agusto 25, National Heroes Day, ngunit nabigo kaya’t inurong ito kamakalawa na napigilan ng NBI.

Mayroon pa aniyang manifesto ang grupo na balak sanang babasahin kung nagtagumpay ang kanilang paglunsad ng pag-atake.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong illegal position of explosives at pinag-aaralan ang kasong conspiracy to commit terrorism.

Nabatid na apat na sets ng improvised incendiary device (IID) ang narekober ng mga awtoridad na ayon kay De Lima ay magdudulot ng biglaang sunog sa pinaglagyang sasakyan at maaaring sumabog nang malakas.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *