Thursday , December 26 2024

Ano ba talaga ang gusto ni Pacquiao?

00 BANAT alvin

MUKHANG may pagka-swapang si Manny Pacquiao.

Halatang-halata kasi sa ikinikilos ng tinaguriang pambansang kamao ng bansa na gusto ni-yang pasukin ang lahat ng kanyang maibigan o magustuhan.

Kitang-kita rin ang gigil niya sa anomang bagay na hangarin niya kaya’t tiyak na may iba pang papasukang bisyo o pagkakaabalahan sa darating pang panahon.

Magmula sa pagiging boksingero, artista, politiko at negosyante ay pinasok na rin ni Pacman ang laro ng basketball na posibleng lumabas si-yang katawa-tawa dahil sa height niyang 5’ 6″ ay pinasok niya ang PBA bilang playing coach ng KIA Motors.

Sa daidig nga ng pagseserbisyo publiko ay parang ginagawa na lamang niya itong laro dahil sa talaan ng Kamara ay si Pacquiao ay may pinakamaraming absent na kongresista magmula nang siya ay mahalal bilang kinatawan ng Saranggani.

Ngayon naman ay nagbaba-lak ang anak ni Mommy Dionisia na pumalaot bilang senador ni VP Jojo Binay gayong wala naman siyang napatunayan bilang kinatawan ng naturang probinsya sa Kongreso.

Maliban kasi sa kanyang pagiging pambansang kamao na naging world champion na rin sa iba’t ibang dibisyon ng boxing ay wala pa siyang masasabing tatak ng magaling na public servant bagkus naging pangit pa ngang ehemplo sa lahat matapos ipagsakdal ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng bilyong pisong buwis.

Dapat nang mag-isip ang mga Pilipino sa ginagawang ito ni Pacman dahil sa halip na maging isa siyang tunay na lingkod bayan ay mistula niyang pinaglalaruan ang pamahalaan lalo’t higit ang mga Pinoy na kumakalinga sa kanya sa kanyang mga laban.

***

Tama lamang ang sinabi ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian na hindi nararamdaman ng mga Pilipino ang sinasabi ng NEDA na economic growth ng bansa.

Ito ang maliwanag pa sa sikat ng araw dahil nanatiling gutom at nagdarahop pa rin ang mga anakpawis sa iba’t ibang panig ng ‘Pinas habang ang mayayaman ay lalo pang nagkakamal ng sa-lapi.

Ayon sa mambabatas, ang 6.4 percent economic growth na naitala ng NEDA para sa 2nd quarter ng taong ito ay mukhang hindi makatotohanan dahil nanatili pa rin uhaw at gutom ang taumbayan.

Hamon tuloy ni Gatchalian sa gobyernong Aquino na gumawa ng hakbang para maging makatotohanan ang sinasabing paglago ng ekonomiya at ito ay sa pamamagitan ng pagpapalago at pagpapaangat sa estado ng buhay ng mga maralita sa bansa.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *