IPINATIGIL ng Korte Suprema ang kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na naglilimita sa airtime ng political advertisements dahil sa pagiging labag nito sa Saligang Batas.
Nagkakaisa ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa kanilang desisyon na labag sa kalayaan sa pamamahayag ang resolusyon ng Comelec.
Nilalabag din ng kautusan ng Comelec ang kalayaan sa pamamahayag at ang ‘people’s right to suffrage’.
Pinuna ng Korte Suprema ang agad-agad na pagpapatupad ng Comelec ng naturang resolusyon at binago ang panuntunan mula sa dating limitasyon sa oras ng political advertisements bawat estasyon.
Sa ipinatupad na resolusyon ng Comelec, may 120 minuto lang ang bawat kandidato para sa kanilang patalastas sa telebisyon habang 180 minuto sa radyo.