MALAKING bagay ang pagdalaw ni KC Concepcion sa inang megastar Sharon Cuneta. Kahit paano, nakababawi ng depression ‘yung may masumbungan ka ng mga problema. Higit sa lahat mahalagang mayroong makausap.
Ngayon lang kasi nagpahayag ng kalungkutan si Sharon. Sana naman, hindi pagtaba lamang niya ang problema, dahil baka may iba pang dahilan.
Sabagay happy naman siya sa kanyang married life with Sen. Kiko P.
Importante ang bonding kay Mega sa kanyang eldest daughter KC. Marami kasing sitsit tungkol kay KC ang nababalitaan ni Mega at problemang hindi naman sila nagkakausap dalawa.