BINABATIKOS ngayon ang The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod dahil sa kawalan umano ng breeding at palengkera. Aba’y teka naman, ngayon pa lang nagbabago ang buhay ng bata kaya bigyan naman natin ng panahon na magbago at nararapat lang na intindihin.
Bukas na aklat naman kung saan nanggaling ang batang ito. Rati lang siyang nagkakalakal ng basura kaya ano naman ang dapat asahan sa batang ito? Nandoon pa talaga ‘yung asal na parang astig, batang kanto na hindi naman agad-agad na mawawala.
Ngayong binuksan ng showbiz ang mundo niya, eto ang panahon na dapat suportahan si Lyca, matuto na maging disente at mag-aral. Ito pa lang ang pagkakataon na turuan ng kagandahang asal at pagsasalita si Lyca.
Wish namin na makatagpo ang pamilya ni Lyca ng mga tao sa showbiz na i-guide sila at ganoon din sa kinikita ng bata. Hindi ‘yung malasing sila sa isang basong tubig at biglang yaman na tatamasain. Sana mabigyan sila ng tamang guidance para hindi mapariwara sa showbiz at manatiling humble.
Magaya sana ito kay Ryzza Mae Dizon na alagang-alaga ng kanyang manager na si Tita Malou Choa-Fagar at ng Eat Bulaga Family. Nakapagpundar na ng bahay, sasakyan, at naga-guide ang edukasyon.
Kung sabagay, may napanalunang bahay na si Lyca sa The Voice Kids sa tulong ng Vistaland and landscapes, Inc.office. Sa Camella Tierra Nevada sa General Trias ang napili nilang location.
Speaking of Lyca, malakas talaga ang hatak niya sa masang Pinoy. Balitang tumaas ang ratings ng seryeng Hawak Kamay mula nang pumasok si Lyca. Matuk mo ‘yun, siya ang sinasabing dahilan ng pagtaas ng ratings, hindi dahil kina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes. Pero ayon naman sa production, tumaas daw ang ratings dahil lalong gumaganda ang istorya. At pumapasok na ang kilig at love team nina Zaijian at Andrea.
‘Yun na!