Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ENPRESS nagpasaya ng mga bata sa tulong ng Puregold

090214 enpress

ISANG masaya at makabuluhang hapon ang naranasan ng mga kasapi ng Entertainment Press Society noong Miyerkoles, August 27, sa gift giving activity na kanilang ginawa sa White Cross sa San Juan City.

Sa tulong ng Puregold ay nagsagawa ng gift-giving at feeding program ang mga kasapi ng ENPRESS sa mga batang inaalagaan ng White Cross.

Sa loob ng dalawang oras ay nakisaya ang mga Enpress member sa mga bata. Bawat isang Enpress member ay naglaan ng oras para sa isang bata, kasama ang pagpapakain dito ng early dinner. Labis na ikinatuwa ng Enpress members ang naturang activity dahil kahit sa ilang oras lamang ay naranasan nila kung paano maging surrogate parent sa simpleng paraan na pagpapakain sa mga paslit.

Isa itong masaya pero makabuluhang hapon para sa mga Enpress members na nakibahagi sa activity.

Bukod sa feeding program, sa tulong ng Puregold, ay nagbigay din ng donasyon ang Enpress sa White Cross. Kabilang dito ang pitong kahon ng assorted grocery items at mga cleaning material tulad ng dust pan, mop with handle, at soft brooms.

“Kami sa Enpress ay labis na natutuwa na maging bahagi ng worthy endeavor na ito. Nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa Puregold sa pagtulong nila sa Enpress thru their generous donation para sa project na ito, na amin namang naibahagi sa White Cross at sa mga batang kanilang inaalagaan. We hope to do this again,” pahayag ng mga Enpress member na dumalo sa gift-giving.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …