Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, kahit bentahe ang katawan, marunong namang umarte

090214 ejay falcon

ni Roldan Castro

KATAWAN ang isa sa bentahe ni Ejay Falcon sa isang bagong sexy serye na makakasama sina Ellen Adarna, JC De Vera, Coleen Garcia, Daniel Matsunaga at isa pang aktres.

Niluluto na raw ang naturang serye sa unit ni Direk Ruel Bayani at daraan pa sila sa sensuality workshop. Mangangabayo rin sila.

Tinanong naming si Ejay after ng contract signing niya sa Unisilver Time bilang bagong endorser kung ano ang reaksiyon niya sa pagiging big winner ni Daniel Matsunaga na marami ang bumabatikos.

“Lagi namang ganoon, eh! Kasi may kanya-kanyang manok. Kung sino ‘yung fans ni Jane (Oineza), kung sino ‘yung fans nina Mariz. So, talagang hindi na bago ‘yun. Lahat naman pinagdaraanan ‘yun.

“Pero napapanood ko, mabait naman si Daniel, eh! Nababaitan ako sa kanya. Parang hindi siya nag-iisip ng masama sa mga housemate,” deklara pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa gymmate niyang si Aljur Abrenica na hanggang ngayon ay pinupuna ang acting. Kitang-kita kasi ang improvement ni Ejay simula noong magsimula siya sa showbiz?

Ilang workshop naman kasi ang pinagdaanan niya kaya nakikita na ang husay niya sa acting.

“Sa akin kasi ‘pag sinabing hindi marunong umarte, mas ‘yun ang nagtutulak sa akin para galingan, para patunayan sa mga tao na kaya kong umarte. Ayaw kong mapahiya ‘yung mga taong nagbibigay ng trabaho sa akin. Ayaw kong sayangin ‘yung ibinigay sa aking oportunidad. Tingnan sguro niya ‘yung responsibilidad na ibinigay ng network kaya kailangang galingan.

“Kailangang makinig talaga sa lahat ng tao sa set, sa mga co-actor mo, sa director mo. Ako kasi naakikinig talaga, ayaw kong maging pasaway,” sey pa niya.

Anyway, isa si Ejay sa endorsers ng Universal Time ng Kapamilya Network na kasama sina Sam Milby at Karylle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …