Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BoC “superman” officer

00 pitik tisoy

A LETTER of Complaint was sent to the Office of the Secretary of Finance Cesar V. Purisima and to the Commissioner of the Customs John P. Sevilla by a Concerned citizen regarding the multiple position or assignment by a single customs officer in a far away port.

Ayon sa reklamo, ang isang customs offi-cer 3 – COO III ay in acting capacity sa pagka-District Collector, Acting chief Port Operation, as Acting Subport collector, as acting Boarding Officer, and as acting Customs Inspector sa kanyang puerto.

Hanep!

Limang position ang ginagampanan umano ng nsabing customs officer!

Wow na wow naman, superman ba ang taong ‘yan na kayang gampanan lahat ang position na ‘yan?

Pinakyaw mo na ‘ata lahat Sir!?

Pwede na palang ilagay sa “GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS” ang nasabing customs official!?

Ikaw na!!!

Paano kaya nangyaring five (5) positions ang hawak niya, kung totoo ito?

Wala na bang ibang customs personnel na pwedeng gumawa ng ibang trabaho sa mala-yong pantalan na ‘yan?

O baka naman may alingasngas na maling ginagawa o nagagawa si Sir na may limang pwesto kaya may nagreklamo na sa kanya?

Inireklamo ni concerned citizen dahil siguro naka-imbudo lang kay customs superman official ang lahat ng ‘kita’ sa kanyang puerto?

Malamang ang tawag sa kanya ngayon ng kanyang mga tauhan ay Collector “KBL” (Kay BOSS LAHAT).

But for sure, after reading the complaint ay ipag-utos ni DOF Secretary Cesar Purisima kay BOC Commissioner Sevilla na paimbestigahan agad ang nasabing reklamo.

Yari ka na sir!

Alamin na rin kung meron pang ibang pantalan na may ganitong klaseng problema.

Mukhang nakalusot sa reform program ni Comm. Sevilla ang customs official na may multiple position/assignment sa kanyang distrito.

Aksyon agad Commissioner Sevilla!

Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …