MARAMI ang nagulat nang sa pagrama ng dating PBB housemate na si Beauty Gonzales na nakasuot ng skimpy black bikini at diaphanous wings ay seksing-seki sa katatapos na FHM 100 Sexiest.
Tunay na kitang-kita ang napakaseksing katawan ni Beauty kaya hindi nakapagtatakang nasa no. 98 ang 21-year-old na dalaga mula Dumaguete.
Ani Beauty, diet at ehersisyo ang nakatulong sa kanya para magkaroon ng mababang timbang kasama ang crossfit at swimming. Siyempre pa, kasama na rito ang pag-maintain ng mga slimming treatments ng Shimmian Manila Surgicenter tulad ng Body Refirme na nakatutulong para makapag-refirme ng skin o nakatatanggal ng sag skin.
Nang ilunsad bilang cover si Beauty sa FHM magazine, lalong naging matinggad ang ganda at kaseksihan ni Beauty dahil kay Dr. Levi John Lansangan ng Shimmian Manila Surgicenter sa pamamagitan ng Facial Contouring, na binigyan ng highlights ang mga best feature ng mukha niya.
“There are five pillars of the face—the nose, forehead, chin, and the cheeks. If theyhave no pronouncement, if they are not emphasized, it looks like a flat face. More important is the Rhinoplasty, but your other features should also complement your nose. That’s because people do not only look at you from the front, but they also look at your profile,” ani Dr. Lansangan.
Ang Shimmian ang nagpasimula ng Gore-Tex Rhinoplasty sa Pilipinas, at ngayon nais nilang idagdag dito ang Facial Contouring. “While the nose makes up 70 percent of facial features, the other features should follow,” dagdag pa nito.
Ipinaliwanag pa ni Lansangan na, “If the nose becomes pronounced because of the proceduce, then they would end up looking like a penguin.”
Pinag-aaralan nila ang mukha ng isang pasyente at saka sila nagbibigay ng rekomendasyon upang lalo pang mapaganda ito. “It could be a lack on the chin, in that case, we do a chin augmentation. If there are some pronouncement on the lower mandible, we reduce the fat in that area and add that fat to the cheek, or put implant on the forehead. We can also touch the jaw – if it is too pronounced, then we reduce part of the mandible,” aniya pa.
Kung nangangamba ang iba sa hindi magandang resulta ng kanilang mukha matapos sumailalaim sa procedure na ito, tiniyak ni Dr. Lansangan na hindi ito mangyayari. “The common remark is, ‘uy pumayat ka’.Everything is on a case-to-case basis, sometimes only the nose and chin get a work-up, or the nose and the forehead,” paliwanag pa nito.
Ang taba na inilipat sa pisngi ay nakatutulong din upang magmukhang mas bata. “Aging is inevitable, and what usually happens to the Filipino profile, since it is round,is that the cheeks start to drop and create jowls. Since the fat has already been transferred to the upper area, there will be less sagging in that area,” ani Dr. Lansangan.
Ang proseso, ayon kay Dr. Lansangan, ay permanente ngunit pinayuhan niya ang sasailalim dito na bumalik sa kanila pagkalipas ng limang taon dahil sa pagbabago dala ng pagtanda. May ibang pasyente naman na ayaw na gamitan sila ng implants, kaya may ibang option sila na filler injections. Sa paraang ito, dapat bumalik sa kanila ang pasyente kada taon.