Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, nagsusuka at nag-collapse dahil sa kaeksenang aktor

 ni Ronnie Carrasco III

PAGSUSUKA, pag-collapse, at pagbaba ng blood pressure ng 60/40 ang resulta ng inindang stress kamakailan ng isang aktres.

And what caused her stress? Nagsimula ‘yon nang mag-taping siya kamakailan for a TV show. Alas sais ng umaga ang call time that she complied with.

Alas siyete ng umaga ang pullout ng staff at crew patungong location outside Metro Manila. Kaso, ang aktor na kabilang sa palabas ay hindi pa dumarating. Nang wala pa ito bandang alas otso ng umaga, the production team decided to leave.

Dakong 10:30 a.m. nang dumating sa set ang aktor, na hindi na lang pinansin ng aktres. All throughout their stay on the set ay panay birong may halong kabastusan ang pinakakawalan ng aktor.

Still ang napipikon nang aktres chose to keep her cool, until isinalang na sila sa eksena. Isang imbalidong pasyente ang papel ng aktres on whose bedside ay naroon ang aktor. May kung anong bahagi sa bandang paa ng aktres ang nasaling ng aktor, na sa sobrang sakit ay napaigtad ang nakahigang kaeksena.

Gusto na sanang mag-walk out ng aktres, pero nanaig pa rin ang kanyang sense of professionalism. Sa halip, she wrote a letter addressed to the production head, na makaraang idetalye niya ang mga pangyayari, ang liham ended with, ”I don’t want to work with him again!”

Da who ang aktres? Her last name is a town in Spain. Da who naman ang maangas na aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Johnny Regalado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …