Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, may punto ukol sa mga bayarang raliyista

081214 Vice Ganda
ni Ronnie Carrasco III

HINANAPAN lang namin ng tamang tiyempo ang aming pagtatanggol kay Vice Ganda amidst all the social media bashings na kanyang tinatanggap at patuloy na tinatanggap kaugnay ng mga rallyista sa nakaraang SONA ni P-Noy.

Vice Ganda’s mention na ilan, o karamihan sa mga nakilahok sa anti-SONA rally kamakailan ay hindi naman talaga prinsipyo ang ipinaglalaban kundi mga binayaran pambili ng bigas incurred public outrage.

Naungkat tuloy ang nakaraan ni VG bilang isang struggling stand-up comedian noon sa mga comedy bar na kanyang pinagtrabahuhan, short of being pictured as a customer’s tip-hungry entertainer.

Personally, we have nothing against VG. Pero hindi rin namin siya gusto dahil sa kanyang maangas na behaviour as a result of his fame and fortune, na hanggang kalian nga lang ba niya mae-enjoy? Until he breathes his last?

But we like VG’s brutal frankness na sa totoo lang naman ay sumasalamin sa katotohanan.

Ilan lang ba talaga kasi ang nagbubuwis ng buhay para sa prinsipyong kanilang ipinaglalaban? Too many. At saludo kami sa kanila.

Pero anumang human assembly ay nahahaluan din ng mga kaluluwang ligaw, lost in the political wilderness whose guiding principle—lalo na sa panahon ngayon—is dictated by economics.

Rallyista rin kami, saksi kami sa maraming taon sa tinatawag na “hakot system” na ang mga bayarang rallyista are given the royal treatment kapalit ng kanilang partisipasyon sa ngalan ng mga pigura o numero to create an illusion of massive support.

These are the innocent, if not gullible, people na join lang ng join without bothering to ask kung ano ang kanilang silbi, kundi magkano.

VG is just being realistic. At magpakatotoo rin sana tayo.

Sa paulit-ulit na lang na sistema sa gobyerno—that does not address the problem tungkol sa lumalalang kahirapan ng maraming Pinoy as opposed to the oligarchs and the bureaucratic thieves who live lavish lives—bawat butil ng bigas—NFA man o commercial rice—ay puwede tayong magpatayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …