ni Peter Ledesma
Since maging sila ng hindi naman kasikatang singer, na ama ng kanyang one and only daughter, bumagsak talaga ang kabuhayan ni sexy actress na nasangkot noon sa isang malaking eskandalo.
Kaya kahit na seryoso pa ang Papang singer sa kanilang relasyon na nakahanda na sana si-yang pakasalan next year, parang walang nari-nig ang ate nating sexy star sa proposal ng na-sabing karelasyon at ang nakakalokah hiniwalayan na pala ang dyowang nagmamahal sa kanya nang tunay. Ano pa ba ang hinahanap niya? Masuwerte nga siya at may sumeryoso pa sa kanya ‘no! Sabi kaya itinapon na ang dyowang mang-aawit kasi sagabal sa kanyang karaketan sa mga rich men. ‘Di ba? Matagal nang napapabalita na pa-book daw ang not so young, not so old na actress.
So balik na siya sa dating gawi at mukhang nami-miss na niya ang bonggang-bonggang lifestyle na nakasanayan. Wa na clue gyud!