Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christine Bersola, apektado sa awayan at murahan sa Face The People

090114 Tintin edu Gelli

ni Nonie V. Nicasio

AMINADO si Christine Bersola-Babao na maraming instance na naaapektohan siya sa mga mga tinatalakay nilang kaso o pangyayari sa kanilang programang Face The People ng TV5.

“Ako iyong iyakin ngayon sa grupo namin, kasi si Gelli (de Belen) ay napagdaanan na niya lahat iyan e. Kasi, dalawang taon na siyang nagho-host. Ako iyong bago, tapos si Edu (Manzano) ang pinakabago.

“Ako pa rin ‘yung umiiyak, ako pa rin iyong bumibigay… Ako pa rin ‘yung kapag umuuwi, hindi ko siya ma-shake-off sa system, na kailangan kong ikuwento nang ikuwento sa ibang tao para mailabas ko. Kasi, apektadong-apektado pa rin ako sa mga istorya, hanggang ngayon,” saad ni Tintin (nickname ni Christine).

Although medyo nasasa-nay na raw siya, pero hindi pa rin daw niya mapagtanto kung bakit may mga anak na namumura nang harapan ang kanilang mga magulang.

“Medyo nasasanay na ako, pero at the same time, naaano ko na, ‘Bakit may mga ganoong tao na kaya niyang murahin nang harap-harapan ang kanilang ina, ama… ‘PI mo,’ nagduduruan…

“Doon pa rin ako parang, ‘Bakit may ganoon?’ Pero iyon ang reyalidad, na-accept ko na, na iyon ang reyalidad dahil iyon ang nakagisnan nila e, ‘di ba?” Seryosong pahayag pa niya.

Ang Face The People ay mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro at napapanood araw-araw sa Kapatid Network sa ganap na 10:15 AM.

Samantala, natutuwa namang ibinalita ni Tintin ang kanilang bagong segment sa Face The People na tinawag nilang Happy Change.

“Sobrang happy, kasi may segment siya na gustong-gusto ko talaga. Happy Change yung tawag. Kasi noong Season 1 and 2, ina-address namin yung problems, ‘di ba yung mga case studies namin, mga problema nila sa buhay?

“Pero eto, nag-level-up na. Dahil hindi na ito basta upakan sa set, sabunutan, or murahan sa set. Pero sa Happy Change, ipinapakita namin na hindi lang may solusyon sa problema dahil hindi lang sila pinapayuhan sa aming Konsensiya ng Bayan. Pero tinutupad namin yung mga munti nilang pangarap sa buhay.”

Ipinaliwanag pa niya kung bakit sila nagkaroon ng segment na Happy Change.

“Kasi ‘di ba, minsan nakakasawa na paulit-ulit na lang yung mga problema ng mga mahihirap? Alam natin yon, so ano ang puwedeng gawin ng show para ma-address yung problem?

“Siyempre parang hindi complete na hanggang payo na lang e. Kailangan, talagang may gawin ka,” kuwento pa niya.

Sinabi rin ni Tintin na may mga lumalapit sa kanila para gawing instrumento ang programa nila para maayos ang mga problemang pampamilya.

“May mga lumalapit talaga rito sa show na gusto nilang dito magtapat. Iyong pagre-reveal ng mga sikreto nila. Kasi, kapag sa bahay daw nila ginawa iyon, baka magpata-yan ang mga anak.

“Tulad ng… mayroon ka-ming istorya na ‘yung nanay ay may dalawa siyang anak na lalaki, tapos ay nag-switch ng kani-kanilang partner. Hindi pa asawa, kinakasama pa lang, e.

“So sabi ng nanay, ‘Imagine, kung sa bahay ko ginawa iyan na nagtapat sila, baka nagpatayan iyong magkapatid.’ Pero dahil dito ginawa, mas guarded sila, mas careful, kasi may mga tao na nanonood, na nasa TV sila. “So, naayos namin iyong problema na walang nagpata-yan,” mahabang litanya pa ng Kapatid TV host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …