NANAWAGAN ng dasal ang pamunuan ng Catholic Bishop’s Conferene of the Philippines (CBCP) para sa kaligtasan ng dalawang Filipino priest na piniling magpaiwan sa bansang Libya para silbihan ang mga kababayan doon.
Sinabi ni CBCP Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People executive secretary Fr. Resty Ogsimer, kailangan na ipagdasal ang kaligtasan nina Fr. Amado Baranquel ng Mary Immaculate Parish sa Benghazi, at Fr. Celso Larracas ng St. Francis Catholic Church sa Tripoli dahil mas pinili nila na magsilbi sa mga kababayan sa kabila ng kaguluhan.
“Let’s pray to God to keep them all safe, that they get through this crisis the soonest, and that the evacuation process run smooth,” wika ni Ogsimer.
Nabatid na marami pang Filipino sa Libya ang nagpasyang mananatili sa kabila ng kaguluhan doon.