ni Roldan Castro
PAGKATAPOS matsismis si Bea Binene na lilipat na sa ABS-CBN 2, ay may bago na siyang serye sa GMA 7 pagkatapos ng isang taon na paghihintay. Magsasama sila ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas sa serye.
Nilinaw ni Bea na hindi talaga sila nakipag-usap sa ABS-CBN 2 para lumipat. Tahimik lang daw sila at na naroon din ang panghihinayang niya kung lalayasan niya ang Kapuso Network.
Nagbunga naman ang paghihintay niya dahil nabigyan siya ulit ng magandang bagong serye.
Bukod sa may career si Bea, happy pa ang lovelife niya kay Jake. Ang haba ng hair niya dahil naka-tattoo ang pangalan ni Bea sa braso ni Jake. Kahit iniintriga sila, hindi rin sila napaghihiwalay.
Napatunayan na raw ni Bea ang sincerity at pagiging seryoso ni Jake sa relasyon nila. Sa rami ng pinagdaanan nila, hindi pa rin siya iniiwan ng guwapong boyfriend.
Bongga!