Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arellano sososyo sa liderato

SISIKAPIN ng Arellano Chiefs na makaulit kontra Perpetual Help Altas upang muling makisosyo sa liderato ng 90th NCAA men’s basketball tournament.

Makakasagupa ng Chiefs ang Altas sa ganap na 2 pm sa The Arena sa San Juan.

Ito’y susundan ng salpukan ng Jose Rizal Heavy Bombers at Lyceum Pirates sa ganap na 4 pm.

Ang Arellano University ay may record na 9-2 at nasa ikalawang puwesto sa likod ng defending champion San Beda Red Lions (10-2). Tabla naman sa ikatlong puwesto ang Perpetual Help at Jose Rizal sa kartang 7-4.  Ang Lyceum ay nasa ikaanim na puwesto sa kartang 5-6.

Sa kanilang unang pagkikita noong Hulyo 26 ay dinaig ng Chiefs ang Altas, 97-85.  Sa larong iyon, ang Chiefs ay pinamunuan ni Keith Agovida na gumawa ng 22 puntos.

Bukod kay Agovida, umaasa si Arellano coach Jerry Codinera kina Dioncee Holts, Levi Hernandez, Jiovani Jalalon at pro-bound na sina John Pinto at Prince Caperal.

Ang Perpetual Help Altas na iginigiya ni coach Aric del Rosario ay mayroon ding dalawang manlalarong napili sa nakaraang PBA Rookie Draft sa katauhan nina Juneric Baloria ay Harold Arboleda. (SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …