Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1 pang pinay sa Vietnam nakapila sa bitayan

090114 dead prison

HINDI lang isa kundi dalawang Filipino ang pinakabagong napabilang sa death row sa Vietnam dahil sa pagpupuslit ng illegal na droga.

Sinabi ni Presidential Adviser on OFW Concerns at Vice President Jejomar Binay, bukod kay Emmanuel Camacho na nasentensiyahan ng kamatayan nitong Huwebes sa Hanoi, nahatulan din ng kaparehong parusa ang Filipina na si Donna Buenagua Mazon sa Ho Chi Minh City.

Si Camacho ay nahulihan ng 3.4 kilo ng coccaine habang nasa isa’t kalahating kilong coccaine ang nasamsam kay Mazon na parehong nahuli sa magkahiwalay na airport sa Vietnam noong Disyembre 2013.

Dahil dito, nanawagan ang Bise Presidente sa Department of Foreign Affairs na ayudahan ng legal na tulong ang dalawa dahil naniniwala silang maaari pang iapela ang kanilang sentensiya.

Kasabay nito ang panawagan sa mga Filipino na bumibiyahe abroad na huwag masilaw sa malaking halagang alok para maging drug mule o kasangkapan para magpuslit ng illegal na droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …