Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jailbreak sa Zambo (4 patay, 9 sugatan)

083114_FRONT
Tatlong preso, isang jail guard ang patay habang sugatan ang siyam iba pa sa naganap na jailbreak sa Zamboanga del Norte Provincial Jail sa Siocon, ng nasabing lalawigan.

Kinilala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang tatlo sa apat na namatay na sina JO1 Ryanbel Bagun, jail guard na nakatalaga sa nabanggit na piitan; magkapatid na inmates na sina Ruel Humoc at Preciouso Humoc, at isang preso na hindi pa kinilala.

Ginagamot sa ospital ang mga sugatan na sina P03 Romel Jay Hachuela at P01 Paul Tombic; dalawang jail guards na sina J02 Roldan Felizarta at Patrick Galvez; apat na inmates na sina Reneboy Humoc, Lito Magsayo, Ryllmark Canonio at Zenaid Insu.

Sa ulat ng BJMP, bandang 7:45 p.m. nang mangyari ang insidente sa nasabing piitan sa Barangay Poblacion, Siocon, Zamboanga del Norte, matapos mabisto ang tangkang pagtakas ng hindi matukoy na bilang ng mga preso na humantong sa shootout.

Sa isinagawang joint operation ng Philippine National Police (PNP), BJMP at mga sundalo, naaresto at muling naibalik sa kulungan ang lahat ng mga tumakas na preso.

Iniimbestigahan ng pulisya ang pamunuan ng BJMP sa nasabing insidente.

ni BETH JULIAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …