PANAY pa rin ang palipad-hangin ni Sam Milby kay Anne Curtis kahit alam na nga niyang may Erwan Heussaff na ito.
Kunsintidor naman ang Viva Films para maibenta ang bago nilang pelikula, The Gifted na magkatambal sina Anne at Sam.
Sabi ni Sam, “I will always love Anne no matter what.” Sa tagal daw nilang magkasama sa showbiz lagi niyang pinananabikan ang pagsasama nila ni Anne.
“Kahit matanda na akwo (ako), maghihintay ako para sa kanya. She will always have a special place in my heart,” dugtong pa ni Sam.
Puro dakdak lang itong si Milby. Bakit hindi niya pagsumikapang maging karapat-dapat kay Anne kung talagang mahal niya ito? Wala naman kasi siyang maipagmamalaki kundi ‘yung American blood niya. ”I am gifted on my American side,” diin niya.
Para sa amin, ibaling na lang ni Sam ang pokus niya sa kanyang career para hindi siya mahuli sa bilis ng asenso ni Anne. Ginawa na niyang lahat pero wala namang nangyari. Nagpunta pa siya sa Hollywood para subukan ang pag-aartista roon. Ni hindi nga siya naka-first base man lang. Magaling na siyang mag-Tagalog ngayon pero malabnaw pa rin ang acting niya!