Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salon owner todas sa gunman

TODAS ang isang salon owner nang barilin nang malapitan ng isa sa dalawang ‘di nakikilalang suspek habang nasa loob ng kanyang parlor sa Molino Road, Barangay San Nicolas 2, Bacoor City, lalawigan ng Cavite.

Sa ulat na tinanggap ng Bacoor City PNP, kinilala ang biktimang si Redentor Ramos, Jr., 61, may-ari ng Red Ram Beauty Salon, ng Block 14, Lot 18, Diego Silang St., Phase 3, Soldiers Hills 4, Barangay Molino 4, ng nasabing siyudad.

Tumakas ang mga suspek na walang sinoman ang nakakakilala. Nasa pagitan ng edad 40-45-anyos, may taas na 5’7-5’9, nakasuot ng blue na helmet; gray jacket, faded maong pants at armado ng maiksing baril ang gunman, habang ang look out ay nasa edad 50-55; may taas na 5’7-5’9, nakasuot ng dirty white jacket at maong pants.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Legaspi, Jr., bandang 8:45 p.m. nakikipag-usap ang biktima sa kanyang mga empleyado sa loob ng parlor, nang biglang pumasok ang isa sa suspek na armado ng baril.

Agad nilapitan ang biktima saka pinaputukan bago tumakas kasama ang look out.

(Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …