HINATULAN ng bitay ang isang Filipino sa Vietnam dahil sa pagpuslit ng cocaine kilala rin sa tawag na ‘coke.’
Batay sa ulat ng state media ng Vietnam, kinilala ang hinatulan na si Emmaniel Sillo Camacho, 39, nagpuslit sa bansa ng 3.4 kilo ng cocaine mula Brazil.
Disyembre noong nakalipas na taon nang maaresto si Camacho sa Bai International Airport sa Hanoi. Nakasaad sa report na inamin ni Camacho na ibiniyahe niya ang droga mula sa isang Filipina na naninirahan sa Brazil.
Aniya, pinangakuan siya ng Filipina ng trabaho sa Brazil at sasahod siya ng $1,500 kada buwan. Isa ang Vietnam sa may pinakamahigpit na batas laban sa ilegal na droga.
(Associated Press)