Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palaboy namatay o nagpakamatay?

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) ang pagkamatay ng isang palaboy na natagpuang bumubula ang bibig sa Sta.Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng MPD-HS, ang biktimang nasa edad 45-50, nakasuot ng asul na polo at  puting short na may stripes na itim.

Dakong 6:15 a.m. nang makatanggap ng tawag ang MPD-HS kaugnay sa pagkakatagpo sa biktima sa Rizal Avenue at Alvarez St., Sta. Cruz.

Ayon kay Vallejo, walang sugat na nakita sa katawan ng biktima maliban sa pagbula ng kanyang bibig.

“Hihintayin namin ang autopsy report ng SOCO kung nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner o inatake,” pahayag ni Vallejo.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa 7:00 p.m., na binati ng isang jeepney driver.

Napag-alaman na hindi nangangalakal at tambay lamang sa lugar ang biktima.

(LEONARD BASILIO/may karagdagang ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …