Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Bistek Bautista, dedma lang sa talamak na flesh trade sa Kyusi at si Bong Sal Salver dakilang bagman

00 rex target logo

KAYA naman pala nakakibit-balikat at dedma lamang daw si Mayor Bistek Bautista kapag nababanatan sa mga peryodiko ang kanyang lungsod patungkol sa ‘flesh trade’ sa Quezon City ay dahil may umiikot palang isang bagman na bitbit ang kanyang pangalan sa pangongolektong.

Mga bigtime club owners ang iniikutan ng isang alyas BONG SAL SALVER na isa rin club owner cum bugaw.

Ang masakit sa parte ni Mayor Bistek, hindi lamang ang pangalan niya ang lumalabas na protector ng BOLD at PROSTITUTION sa Quezon City kundi pati si BUTCH BIG DADDY.

Ang dalawang Bautista ang ipinagyayabang ng isang grupo ng club owners na pinamumunuan ng isang TED SAPITULA, GIL TEPANG, BOY ARSON MEDIA at FERRY BALAKUBAK.

Going back sa kupal na si BONG SAL SALVER, hindi lamang night clubs ang kanyang dina-dapuan kundi mga sauna bath cum ‘spakol’ din na nasa Quezon City.

Dialogue ng hindot na si BONG SAL SALVER sa kanyang mga dinadapuang establisimi-yento, para raw sa tanggapan ni Mayor Bistek at kay QCPD Director Richard Albano ang ‘payola’ na kanyang kinokolekta.

Hindi lamang ang tanggapan nina Mayor Bautista at General Albano ang kaladkad ng tarantado kundi pati ang CIDG ni General Benjie Magalong, DILG ni Secretary Mar Roxas, NBI ni Director, Atty. Virgilio Mendez, at maging ang national and local media groups.

Hanep pala talaga si BONG SAL SALVER sa koneksyon. Pati yaong mga notorious media personalities sa payola na sina B.atm.AN at R.oBIn ( 7, 14, 21, 30 ) ay mga kakosa rin ng walanghiya.

Sabagay, may kasabihan tayo na ‘birds of the same feathers fuck este flock together.

Siyempre parang mga mansanas lamang ‘yan sa iisang lalagyan. Yaon mga bulok ay pinagsasama-sama para ‘wag nang mahawahan pa ng pagkabulok ‘yung ibang matitino.

Speaking of Mayor Bistek at si Butch big daddy, hindi tayo makapaniwala sa boladas nitong si BONG SAL SALVER na ang magkaapel-yido ang direktang nag-uutos sa kanya para mangolekta ng intelihensiya sa mga club at sauna parlor owners.

UNBELIEVABLE sabi nga nga mga katoto nating kolumnista.

May mataas kasing morale standards ang mga Bautista kaya ang hirap lunukin na pinapatulan na ng mag-amang Bautista ang kuwarta mula sa pinagputahan.

Kung mayroon mang nagpapakolekta ng payola mula sa mga bahay-putahan sa Quezon City, maaring ilan lamang ito sa malalapit na tauhan ng alkalde at ni Butch Big dady na malakas ang loob na gamitin ang pangalan ng dalawa.

Sa kaso naman ni General Richard ‘KA BANONG’ Albano, we cannot say the same on him and for the rest of other police officers dahil kalakaran na ang punyetang ‘intel collections’ na ‘yan sa police force.

Sa DILG naman, ewan lamang natin kung talagang ‘annointed one’ ni Secretary Mar Roxas ang isang General Pelisco at Capt. Mike Kupal Blanco at Willam Cajayon na umiikot nga-yon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya.

Kung pag-uusapan naman ang tanggapan ni General Benjie Magalong, lalong malulula tayo kung ang spokesperson niya na si Major Beth Jasmin ang inyong makakapanayam.

Hindi raw pumapatol ang CIDG sa intelihensiya o payola dahil sobra-sobra kuno ang kanilang pondo.

Hahahaha!

Komedyante pala si Maam Beth Jasmin na marunong din pa lang magpatawa or shall we say magsinungaling!?

Bakit hindi kaya ipahuli ng CIDG ang mga ‘kolektong’ na nagpapakilalang bagman ni General Magalong ?

Tsk! tsk! tsk!

Suma-total, talagang talamak ang ‘putahan’ sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista at hanggang naririyan sa kanyang paligid ang mga katulad nina BONG SAL SALVER at FERRY BALAKUBAK, mananatiling kuwadrado ang ulo ni Yorme sa dami ng bukol!

‘Di po ba Gen. Richard Albano sir?

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …