Saturday , November 23 2024

Lunas sa Napkin Allergy

MAY mga babaeng nakararanas ng skin irritation—hindi lamang cramps—kapag dumating ang kanilang ‘dalaw’ o regla.

Tunay nga bang may allergic sa kanilang monthly period? Oo.

May ilang mga babaeng nagrereklamo sa pangangati ng kanilang ari (vaginal itchiness), pagkakaroon ng rashes at pamumula sa vaginal area habang may menstruation.

Ang pinakalohikal na paliwanag dito ay hindi tunay na allergy sa menstrual blood, kundi allergy sa sanitary napkin.

Karamihan ng mga commercially available na sanitary pad ay gumagamit ng kemikal na kung tawagin ay methyldibromo glutaronitrile. Ito ay kilalang industrial preservative. Ginagamit ito sa marami pang ibang mga beauty at hygiene product.

Ang methyldibromo glutaronitrile ay isa sa pangunahing allergy-causing na kemikal na sinasabing nakaaapekto sa mga tao.

Ang iba pang mga produkto na gumagamit ng allergen na ito ay mga body cream, facial at hand lotion, massage oil, make-up, baby lotion, baby wipes at moist toilet paper, shampoo at conditioner, liquid soap at shower gel, sunscreen, cleanser, at iba pang skin care product.

Hindi ipinagbabawal ang paggamit ng kemikal na ito dahil hindi nagiging sanhi ng kanser o iba pang mga nakamamatay na sakit. Ang pinakamainam na opsyon ay umiwas na lamang sa paggamit ng nabanggit na mga produkto kung napatunayang allergic sa methyldibromo glutaronitrile.

At sa paggamit ng sanitary pad kada buwan, may iba mga alternatibo na puwedeng subukan:

1. Ang pasador

Habang hindi ito commercially-available, ang homemade version ay maaaring magawa mula sa pananahi ng cloth diaper para maging pahaba at makitid na pad. Maaaring gamitin ito sa panahon ng inyong dalaw. Itoy hypoallergenic, ekonomikal at maaaring gamitin muli, bukod sa pagiging environment-friendly.

2. Ang tampon

Available lamang ito sa ilang mga supermarket at botika, kadalasan sa mga komunidad na may significant na populasyon ng mga expat. Dahil sa ipinapasok ang tampon sa loob ng vaginal canal, maaaring may benepisyo kung ang sensitibong bahagi ang external vulva lamang.

Subalit kung sensitibo din ang inyong vaginal mucosa sa methyldibromo glutaronitrile, ang paggamit ng tampon ay maaaring maging dahilan ng ibang bangungot. Imagine kung nangangati sa bahagi na hindi kayang abutin para kamutin.

3. Ang menstrual cup, bago at eco-friendly na alternatibo

Kilala din ito sa mga brand name na Moon Cup o Diva Cup. Malambot ito at elastikong silicone plastic cup na madaling labhan o hugasan at puwede rin gamitin muli. Kung may kaukulang pag-iingat sa paggamit at may sapat na hygiene, maaaring gamitin ito nang limang taon.

Katulad din ng tapon, ang soft cup ay ipinapasok sa vaginal canal at inaalis, nilalabhan at ipinapasok muli kada 6 hanggang 8 oras depende sa lakas ng menstrual flow. Hindi pa ito available sa lokal na merkado subalit puwedeng mag-order o bumili nito ng online.

Nag-iiba ang presyo nito mula US$5.00 hanggang US$30.00 depende sa iba’t ibang mga brand at manufacturer.

4. Iwasan na lang ang menstruation

Maaaring gawin ito sa tulong ng inyong doktor. Maaaring patigilin o bawasan ang lakas ng inyong menstrual flow sa pamamagitan ng pagkuha ng mga medikasyon para mabawasan ang pagdurugo. May mga gamot na pinapahina ang blood flow na hindi na kailangan pang gumamit ng napkin at sanitary pad. (TRACY CABRERA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *