ISANG matinding kabastusan ang ginawa ng isang fan sa finals ng PBB All In na ginawa pa naman sa isang lugar na napakatindi ang seguridad, ang Resort’s World.
Habang nagmo-moment sa stage ang itinanghal na grand winner na si Daniel Matsunaga at ipinokos sa audience ang camera, sapul ang pagdi-dirty finger sign ng isang lalaking fan.
‘Di malaman kung ano ang dahilan, kung ayaw ba niya kay Daniel or sadyang nagpapa-cute lang siya at akala mo’y nagse-selfie lang.
Kung nasa matino kang pag-iisip, kahit iba ang sinusuportahan mo pero kapag alam mong nakapokus sa iyo ang camera, never mong gawin ang mag-dirty finger.
Dapat kunin ang pangalan ng timang na ito, at i-ban na sa lahat ng shows ng ABS-CBN mapa-remote man o sa studio nang madala.