ISANG ex-convict ang namatay nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa Navotas City, kamakalawa.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jeffrey Pasquin, 32, residente ng #003 Catleya St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni P02 Allan Bangayan, dakong 12:30 a.m., nang maganap ang insidente sa Yellow Bell Alley, sa nasabing barangay.
Naglalakad ang biktima nang sumulpot ang hindi nakilalang suspek na agad bumaril sa kanya.
(ROMMEL SALES)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com