NATAWA kami sa reaksiyon ni Arjo Atayde nang tanungin namin ito kung gaano katotoong bading siya ayon na rin sa mga naglalabasang tsika about him.
Umusbong pa nga ang pangalan ng ilang male celebrity friends ng sikat na aktor ng pinag-uusapang serye ngayong Pure Love ng ABS-CBN. Hindi makapaniwala ang sumisikat na aktor sa naturang isyu na agad naman nitong binigyang kasagutan.
“Hindi po totoo ‘yan! Kilala ko po ang sarili ko! “ aniyang paglalahad pa sa amin.
Nang tanungin namin ang aktor about Alex Gonzaga, naging deretsahan si Arjo sa pagsasabing kaya niyang maghintay kung kailan handa na raw si Alex para umibig muli! ‘Yun na!