Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol ibinalibag sa baldosa tigok

DAGUPAN CITY – Sapilitang kinuha ng isang 34-anyos lalaking may diperensiya sa pag-iisip ang isang taon gulang na sanggol mula sa kanyang ina at patiwarik na ibinalibag sa baldosa.

Pagkaraan ay mabilis na tumakbo ang suspek ngunit hinabol ng mga barangay tanod sa Brgy. Bacnono, Bayambang, sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa ulat, karga ng ina ang batang si Shaira Mae Arenas nang biglang agawin ng suspek ang bata saka ibinalibag sa baldosa.

Habang sinabi ng ina ng suspek, nakawala sa kadena ang kanyang anak na matagal nang may karamdaman sa pag-iisip.

Nagsimula aniya ito nang iwanan ng kanyang asawa at anak ang suspek.

Samantala, ilang oras makaraan isugod sa ospital ay pumanaw ang sanggol bunsod ng matinding pinsala sa katawan at ulo.

Ang suspek ay dinala ng pulisya sa kustodiya ng Social Welfare and Development Office ngunit ibinalik din sa kanyang pamilya.

Sa ngayon bagama’t pinalaya ang suspek, sinampahan siya ng kaso at ipinaubaya na sa korte ang desisyon.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …