Monday , November 18 2024

Robin Padilla, napasubo sa hamon ni Kathryn Bernardo

082914 kathryn bernardo robin padilla
ni Nonie V. Nicasio

HINDI pala trip ni Robin Padilla ang ALS Ice Bucket Challenge. Ayon sa aktor, marami na raw sa kanyang nag-nominate pero tinanggihan daw niya ito.

Ipinaliwanag ni Binoe na puwede naman daw na mag-donate na lang siya at sumuporta. At hindi na raw niya kaila-ngang paliguan ang sarili niya ng malamig na tubig na may yelo.

Pero napilitan si Binoe sa nauusong challenge na ito nang ang young star na si Kathryn Bernardo ang naghamon/nag-nominate sa kanila ng esposa niyang si Mariel Rodriguez.

Ayon kay Robin, “Tinext ako ni Mariel, ‘O, hinamon tayo ni KathNiel, si Daniel at saka si Kathryn.’ “Sabi ko, ‘Maiintindihan na ni Daniel iyan.’ “Sabi niya (Mariel), ‘Hindi, panoorin mo.’ “Naku, pagpanood ko, ang nagsabi, si Kathryn, nahiya ako.”

Pero kung si Daniel Padilla lang daw ay puwede niyang sabihin na igalang nito ang kanyang Tito. “Ang nagsabi si Kathryn, nahiya naman ako,” saad pa bi Robin.

Ito ang rason kung bakit daw isinaklob ni Robn ang balde sa kanyang ulo, matapos nilang gawin ni Mariel ang naturang challenge. Dahil nahihiya raw siya at dahil ayaw talaga niyang gawin iyon.

Pero sa ginawa ni Robin na pagbibigay sa Teen Queen, napatunayan na malakas pala si Kathryn Kay Binoe. Senyales ito marahil na botong-boto si Binoe kay Kathryn para kay Daniel.

AHWEL PAZ, DAPAT SALUDUHAN SA KANYANG MGA ADBOKASIYA!

DALAWANG magkasunod na taon na ang medical mission ni Ahwel Paz para sa entertainment media. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga kasama-han sa hanapbuhay sa libreng comprehensive medical check-up.

Panata na ito ni Ahwel tuwing birthday niya, na imbes magpa-party ay nagsasagawa siya ng medical mission katuwang ng Rotary Club of San Francisco del Monte na kinabi-bilangan ni Dr. Juan kasama ang kanyang Clinica Manila staff. Sa pagkakataong ito, nakiisa rin ang Forma.ph online shopping para sa give-aways.

Sumuporta rin ulit si ni Julius Babao sa medical mission na ito na ginanap sa Dong Juan restaurant sa #72 Mother Ignacia, Quezon City.

Nagbigay aliw naman sa naturang event ang The Voice Kids finalist na si Earl at ang American Idol finalist na si Vanessa Quillao na isa sa mga araw na ito ay magiging artist na ng Star Records.

Anyway, naiintindhan ko ang concern ni Ahwel sa mga kasamahan niya sa media, dahil ito sa pinanggalingan niya. Everytime na naririnig ko kung paano siya nagsikap at kung paano sila nagpunyagi ng kanyang mahal na ina upang maitaguyod ang kanilang pamil-ya, natutuwa ako at sobra kong sinasaluduhan si Ahwel sa puntong ito.

Malaking inspirasyon ang life story ni Ahwel na lumaki sa hirap, na sa tabi ng riles ng tren nakatira. Nagsikap siya at na-ging scholar ni ex-Pres. Cory Aquino hanggang matapos ang kolehiyo.

Kaya ngayon, si Ahwel naman ang tumutulong sa mga nangangailangan. Na bukod sa mga taga-entertainemnt media, may mga bata silang scholars, mayroon silang feeding program, at iba’t iba pang proyekto na nagbebenepisyo ang mga taong karapat-dapat talaga.

Ngayon, bukod sa isa siya sa anchor ng DZMM Teleradyo ay nandiyan ang kanilang Don Juan Restaurant na laging umaapaw ang dami ng customers. Good karma ang tawag ko rito dahil sa mabuting kalooban ni Ahwel, kaya siya patuloy na binibiyayaan ng Di-yos. More power sa iyo Ahwel at sana ay dumami pa ang mga tulad mo!

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *