Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash, Alexa, at Gimme 5, bibida sa bagong Wansapanataym Special (Perfecto, magsisimula na ngayong weekend…)

082914 Wansapanataym gimme 5 nash alexa

PERFECT treat para sa buong pamilya ang handog ng Wansapanataym ngayong Sabado at Linggo (Agosto 30 at 31) sa pagbubukas ng bagong month-long special nito na pinamagatang Perfecto.

Pagbibidahan ito ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, at ang sumisikat na boy group ng ASAP 19 na Gimme 5.

Sa Wansapanataym Presents Perfecto ay gagampanan ni Nash ang karakter ni Perry, isang binatilyong walang ibang hangarin kundi ang maging perpekto para sa kanyang ina at sa kanyang hinahangaan na si Kylie (Alexa). Dahil sa kanyang mga kahinaan, determinado si Perry na gawin ang lahat ng paraan para maabot ang kanyang pangarap.

Ano ang kayang isakripisyo ni Perry kapalit ng hinahangad niyang perpektong buhay? Ano ang mga pagdataanan niya upang matutuhan na mas mahalaga ang kagandahan ng kanyang kalooban kaysa lahat ng karangyaan?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Onat Diaz.

Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym” ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home, at Linggo, 7:00 0.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.como sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …