Friday , November 15 2024

Matanda produktibo pa rin (Payo ni Abante sa gobyerno)

082914_FRONT

Pinangatawan ngayon ng dating mambabatas at kilalang senior citizens rights advocate ang panawagan sa gobyerno na “tumulong sa pagbalangkas, pagpondo at pagpapatupad ng mga proyekto sa ‘grassroots level’ na magpapabuti sa kalagayan ng mga nakakatanda.”

Pinayuhan ng dating kinatawan ng Maynila na si Benny M. Abante, Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement, ang mga pinuno ng bansa at maging ang mga lokal na opisyal na “pagkasunduan na ang pagbalangkas ng mga programang pangnegosyo na pakikinabangan ng nga nakatatanda” sa gitna ng Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP) na nagkakahalaga ng P20.8 bilyong sa ilalim ng panukalang budget ng pamahalaan para sa taon 2015.

“Lahat ito ay para sa ‘empowerment’ o isang ‘paradigm shift’ na magbabago sa kalagayan ng ating senior citizens – mula sa pagiging benepisyaryo lamang ng limos ng gobyerno patungo sa dati nilang estado bilang mga produktibo at kapaki-pakinabang na mamamayan,” ayon kay Abante, ang pangunahing may-akda ng Senior Citizens Expanded Act of 2010.

Ayon sa dating mambabatas, ang GPBP sa ilalim ng national expenditure program o ang panukalang budget para sa taon 2015 ay “may ‘lump sum’ na alokasyon kagaya ng P1.37 bilyon para sa DILG (Department of Interior and Local Government), P1.7 bilyon sa ilalim ng DA (Department of Agriculture), at halos P202 milyon para sa mga tinaguriang ‘projects to be determined’ na umano ay para sa limampung munisipyo sa bansa.”

“Nakalulula ang laki ng mga pondong ito pero ang pagkakagastahan ay hindi pa napagpapasyahan. Bakit hindi na lang nila ilaan sa mga proyektong gaya ng lokal na ‘arts and handicrafts’ na maaaring pagkaabalahan ng ating senior citizens sa kabila ng kanilang katandaan? Bakit hindi ilaan sa ‘high-value crops nurseries’ o mga tanimang maaaring pangasiwaan ng ating mga kooperatiba at organisasyon ng senior citizens?” panukala ni Abante.

Inulit din ni Abante ang sinabi ni Vice President Jejomar Binay sa kanyang talumpati sa Banyan Tree Leadership Forum ng Center for Strategic and International Studies sa  Washington DC noon lamang Mayo na “ang pagtataguyod ng pagnenegosyo, lalong-lalo sa mga kanayunan, ay katumbas ng pagbibigay ng hanapbuhay at pagkakataon higit pa sa pagiging empleyado lamang.”

“Kung naiintindihan ni VP Binay ito, dapat din sigurong malaman ng lahat ng nasa gobyerno,” dagdag niya.

“Sa taon 2050, aabot ang bilang ng ating nakatatanda sa halos 25 milyon. Ang ganitong pagpapahalaga sa kanila ngayon ay katumbas ng ‘all-inclusive growth’ na nais nating makamit sa hinaharap.”

Ayon sa ilang international organizations gaya ng United Nations Population Fund, ang mga nakatatanda ang pumapangatlo sa pinakanapapabayaang sektor sa Pilipinas, kasunod ng mga mangingisda at mga magsasaka.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *