ni John Fontanilla
AYAW daw munang mag-entertain ni Kim Rodriguez ng manliligaw dahil marami pa siyang gustong gawin at ilan dito ay ang sumikat bilang artista at maging isang beauty queen.
Bata pa raw si Kim ay pinapangarap na niyang maging beauty queen at ngayong 19 years old na siya ay nagsisimula na siyang magsanay para sa pagsabak sa timpalak pagandahan kapag tumungtong na siya ng 22 years old.
Ayaw daw kasi nitong sumabak ng bata pa, mas gusto raw niyang nasa hustong gulang na siya at nakapaghanda na sa lahat ng aspeto bago sumali sa Binibining Pilipinas o Miss World.
Ngayon pa lang nga ay marami na ang nagbubuyo rito na sumali sa Binibining Pilipinas pero mas gusto daw niyang maghanda muna bago sumali.
Sa ngayon, busy si Kim sa taping ng kanyang newest soap.