Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fastfood delivery boy dedo sa rambol ng 6 sasakyan

NALAGUTAN ng hininga ang isang delivery boy ng isang fastfood restaurant makaraan magkarambola ang anim sasakyan sa Mindanao Avenue, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, nawala sa kontrol ang 10-wheeler truck na may kargang buhangin kaya sinalpok ang limang iba pang mga sasakyan sa kanto ng Mindanao at Congressional Avenues dakong 4:30 a.m.

Sa puntong iyon, pabalik na ang biktimang si Archie Gaerlan, delivery boy ng McDonald, na lumusot sa ilalim ng truck ang sinasakyang motorsiklo.

Ayon kay PO3 Andie Sotto, sinalpok ng truck na patungo sa Taguig, ang motorsiklo ni Gaerlan bago binundol ang iba pang mga sasakyan.

Sa panig ng truck driver na si Jay Atencio, sinabi niyang mabagal lamang ang kanyang takbo ngunit nawalan ng preno ang kanyang truck.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …